Home METRO EDSA rehab aarangkada sa June 13

EDSA rehab aarangkada sa June 13

113
0

MANILA , Philippines- Nakatakdang magsimula ang pagsasaayos sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) sa June 13, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes.

Sa panayam sa Balintawak Station ng EDSA Busway sa Quezon City, sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na bahagi ang proyekto ng ‘Build, Better, More’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at kasasangkutan ng malawakang information drive sa schedules, plans, rerouting schemes, at iba pang mitigating measures ng proyekto laban sa traffic slowdown.

“Target date po ng start ay June 13. Yan yung actual na plano pong araw na magsisimula. Yung iba pa pong detalye, DPWH (Department of Public Works and Highways), sa aming pag-uusap, mga two years,” wika ni Artes.

Ang EDSA rebuild ay inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na magsisimula sa kalagitnaan ng Hunyo, sa inspeksyon ng elevators ng EDSA Busway station.

“Total rebuild, babaguhin na natin ang EDSA. Mahirap siya habang ginagawa, ma-traffic, may perwisyo, pero kapag natapos ito, talagan napaka-laking ginhawa para sa mga kababayan,” ani Dizon.

Upang ibsan ang pahirap sa mga motoristang dumaraan sa major thoroughfare, sinabi niyang ang DOTr, bilang chair ng Toll Regulatory Board (TRB), ay target na buksan ang ilang bahagi ng Skyway. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here