Home NATIONWIDE Comelec nagbabala sa May 12 bets vs pagsisinungaling sa SOCEs

Comelec nagbabala sa May 12 bets vs pagsisinungaling sa SOCEs

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) nitong Martes sa mga kandidato sa May 12 midterm elections laban sa pagsusumite ng “untruthful” Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs).

“If you file SOCEs with discrepancy and are untruthful, you can face charges of falsification and perjury. Those are violations of the law,” pahayag ni Comelec Chairperson George Garcia sa isang panayam.

Sa ilalim ng Republic Act No. 7166, ang bawat kandidato at political party ay dapat maghain ng kanilang “full, true and itemized” SOCEs sa loob ng 30 araw matapos ang eleksyon.

Posibleng magresulta ang pagpalyang makapagsumite ng SOCE sa administrative fines laban sa kaukulang mga kandidato at political parties.

Para sa taong ito, ang deadline para sa pagsusumite ng SOCEs ay sa June 11.

“We are reminding all candidates, winners or losers, that you are all mandated to file your SOCEs,” giit ni Garcia. RNT/SA