Home NATIONWIDE Comelec: Erice ‘di pa aalisin sa balota

Comelec: Erice ‘di pa aalisin sa balota

167
0

MANILA, Philippines- Mananatili sa balota ang pangalan ni dating Cong. Edgar Erice bilang kandidato ng ikalawang distrito ng Caloocan City.

Inihayag ito ni Comelec Chairman George Garcia kasunod ng desisyon ng Comelec 2nd Division sa diskwalipikasyon ng mambabatas.

Ayon kay Garcia, hindi pa naman final at executory ang desisyon ng Comelec na nagdi-disqualify kay Erice bilang kandidatong kinatawan ng lungsod.

Sinabi ni Garcia na maaari pang umapela ang mambabatas at hangga’t hindi pa final at executory ang nasabing desisyon ay mananatili pa ring kandidato si Erice.

Kahapon, tuluyan nang diniskwalipika ang dating mambabatas dahil sa pagpapakalat umano ng mga maling impormasyon tungkol sa ginawang bidding ng Comelec para sa 2025 Midterm election.

Dumistansya naman si Garcia sa En Banc upang hindi maakusahan na kanyang iniimpluwensyahan ang nasabing kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here