Home NATIONWIDE Pagdinig sa Biyernes ipagpapaliban ng House panel para makadalo sa NBI probe...

Pagdinig sa Biyernes ipagpapaliban ng House panel para makadalo sa NBI probe si VP Sara

MANILA, Philippines- Ipagpapaliban ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang nakatakda nitong pagdinig sa Biyernes hinggil sa umano’y kuwestiyonableng  paggamit ng budget ng Office of the Vice President at Department of Education.

Sa isang press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Committee chairperson at Manila  Representative Joel Chua na ito ay upang bigyang-daan ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) investigation sa banta umano ni Vice President Sara Duterte kay  Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Ito pong issue sa NBI ay napakahalaga at it concerns national security. Kaya kami ay nag-decision na i-postpone ang committee hearing for tomorrow,” wika ni Chua. 

Sinilbihan ng NBI ng subpoena nitong Martes si Duterte matapos ihayag na may inatasan siyang itumba sina First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez sakaling magtagumpay ang umano’y planong pagkitil sa kanya.

Pormal na inimbitahan si Duterte sa NBI headquarters sa Manila sa Biyernes upang ipaliwanag ang kanyang pahayag.

Nauna nang inihirit ng dalawang mambabatas na dapat ipagpaliban ng House panel na nag-iimbestiga kay Duterte ang pagdinig nito upang makatugon ito sa NBI subpoena kung saan kinakailangan ang kanyang pagdalo sa parehong araw.

Inihirit nina House Assistant Majority Leaders Taguig 2nd District Rep. Pammy Zamora at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong nitong Huwebes sa House committee on good government and public accountability na ipagpaliban ang Nov. 29 hearing.

“These are serious allegations that demand Vice President Duterte’s full attention and cooperation,” ani Zamora, binanggit na ang imbestigasyon ng NBI ay isang “urgent matter.”

“Given the serious nature of the allegations being investigated by the NBI, the Vice President’s immediate priority must be to comply with the bureau’s summons and provide a clear explanation to the Filipino people,” sabi ni Adiong.

“The House blue ribbon committee’s hearing can be rescheduled to allow the Vice President to focus on the NBI inquiry without distraction,” ayon kay Zamora. “We can conduct the House hearing at a later time when these pressing concerns have been addressed.”

“The House hearing, where the Vice President is only expected to accompany her staff and not directly answer lawmakers’ questions, can be postponed to prioritize this urgent matter,” wika pa ni Adiong.

Nauna nang inihayag ni Duterte na dadalo siya sa House hearing sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds na inilaan para sa Office of the Vice President at sa Department of Education sa kanyang panunungkulan bilang education secretary. RNT/SA