Home NATIONWIDE Comelec: Higit 10M balota naimprenta na para sa Eleksyon 2025

Comelec: Higit 10M balota naimprenta na para sa Eleksyon 2025

MANILA, Philippines- Nasa 14% o mahigit 10 milyong official ballots para sa 2025 national and local elections (NLE) ang naimprenta na, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Batay sa datos na ibinahagi sa mga mamamahayag, makikitang hanggang nitong Lunes, February 3, nakapag-imprenta na ang poll body ng 10,051,712 official ballots, malayo pa sa mahigit 72 milyong ballot requirements para sa darating na midterm elections. May kabuuang 62,055,708 ang hindi pa naiimprenta.

Ipinagpatuloy ng poll body ang pag-imprenta sa mga balota noong January 27, ilang linggo matapos itong suspendihin nang magpalabas ang Supreme Court (SC) ng temporary restraining orders laban sa diskwalipikasyon ng ilang aspirants.

“Kung sakali, kahit sana maka-1.5 million balota a day kung gamit ang mga machines ng NPO at dalawang bago nating machines. Sana po. Kaya hindi kami umaalis sa deadline namin na April 14,” naunang pahayag ni Comelec chairperson George Erwin Garcia. RNT/SA