Home NATIONWIDE Comelec magdadagdag ng makina para sa pag-imprenta ng balota

Comelec magdadagdag ng makina para sa pag-imprenta ng balota

MANILA, Philippines- Upang mapabilis ang pag-imprenta ng mga balota ay magdadagdag ang Commission on Elections (Comelec) ng makina na gagamitin para sa midterm election.

Ito ay matapos masayang ang pag-imprenta sa anim na milyong balota dahil sa desisyon ng Korte Suprema na isama ang pangalan ng kandidato na una nilang idineklarang nuisance.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kailangan nilang matapos ang pagm-imprenta ng mga balota hanggang Abril 14.

Pangamba lamang ng komisyon na magkaroon ng panibagong TRO mula sa Korte Suprema sa mga susunod na araw dahil may mga nakabinbing pang mga petisyon sa kanila mula sa mga naideklara ring nuisance.

Sinimulan na rin ng Comelec ang pagbabago sa ilang bahagi ng kanilang data base system para maisama ang mga pangalan ng mga naideklara nang nuisance.

Hindi naman sinabi ni Garcia kung kailan uli sila magsisimula sa printing of ballots.

Tiniyak din niya na hindi maapektuhan ang araw ng halalan sa kanila ng naging desisyon na Korte Suprema. Jocelyn Tabangcura-Domenden