Home METRO 3 magkakapatid na menor-de-edad todas sa sunog

3 magkakapatid na menor-de-edad todas sa sunog

MANILA, Philippines- Patay ang tatlong magkakapatid sa sunog sa residential area sa Sta. Mesa, Manila nitong Martes.

Hindi nakaalis ang mga biktimang kapwa mga babae at edad pito, siyam, at 16-anyos, sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa kahabaan ng Guadalcanal Street sa Barangay 597 nang sumilab ang sunog ng alas-5:17 ng hapon.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na naapula ng mga bumbero ang sunog ng alas-5:58 ng hapon.

Ayon sa ina ng mga biktima, isang vendor, nasa labas siya nang sumiklab ang sunog.

Tinatayang nasa P30,000 ang pinsala mula sa pagliyab.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BFP upang matukoy ang mitsa ng insidente. RNT/SA