Home NATIONWIDE Comelec magdaraos ng plebisito sa 5 barangay sa Paranaque

Comelec magdaraos ng plebisito sa 5 barangay sa Paranaque

2
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Commission on Elections ng plebisito sa July 25, 2026 para ratipikahan ng mga residente ang Ordinance No. 2023-19 s. 2022 ng Parañaque City.

Layon ng ordinansa na baguhin ang territorial boundaries ng limang coastal barangay na katabi ng reclaimed areas sa Manila Bay gamit ang “Straight Line Policy.”

Ang apektadong barangay ay ang Baclaran, Tambo, Don Galo, La Huerta, at San Dionisio.

Sasagot lang ang mga residente ng “Yes/Oo” kung sang-ayon, o “No/Hindi” kung hindi.

Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang petsa at patakaran sa nasabing botohan.

Ang Plebiscite period ay mula June 25, 2026 hanggang August 1, 2026. Sa loob nito ipatutupad ang gun ban sa limang barangay. Bawal magdala ng armas kung walang Comelec exemption.

Ipinagbabawal din ang pagbabago ng presinto, pagsuspinde sa mga local official, paglipat ng government employees, pagbuo ng strike/reaction forces, at illegal na pagpapalaya ng bilanggo.

Ang Campaign period naman ay Hulyo 4 hanggang Hulyo 23, 2026. Dito gaganapin ang barangay assemblies. Bawal sirain o pigilan ang pamamahagi ng legal na plebisito materials.

Habang ipapaubaya din ang liquor ban at campaign ban na magsisimula sa bisperas ng plebisito. Bawal din ang pamigay ng libreng pagkain at transportasyon.

Sa mismong araw ng plebisito sa July 25 , bawal mangampanya, mamigay/tanggap ng free food, inumin, pera, o magdala ng armas sa loob ng 30 metro ng voting place. Bawal din magtinda, magsabong, boxing, o karera malapit sa presinto.

Ang oras ng botohan ay mula alas 7 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon Magsisimula ang bilangan alas 3:00 ng hapon at ang canvassing/proklamasyon ng 5:00 ng hapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here