Home NATIONWIDE Comelec maghihigpit sa SOCE ng mga kandidato

Comelec maghihigpit sa SOCE ng mga kandidato

MANILA, Philippines – Magiging mahigpit ang Cmmission on Elections (Comelec) sa pagpapatupad ng patakaran tungkol sa Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Kaya naman, ngayon pa lamang ay nagpaalala na ang Comelec sa mga kandidato sa darating na May 2025 elections na tumalima sa sinasaad ng patakaran.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na saklaw ng SOCE ang lahat ng gastos sa kampanya kasama ang pakain sa mga political rally, gastos sa sound system at mga haharap na celebrity o influencer.

Ayon kay Garcia, hindi nila tatanggapin na libre ang gastos sa mga ito dahil kasama sa SOCE maging ang donasyon na tatanggapin ng isang kandidato.

Babala ng COMELEC Chairman, ang sinumang kandidato na mabibigong magsumite ng SOCE sa magkasunod na nilahukan nitong botohan ay madidiskwalipika sa paglahok sa mga susunod na halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden