MANILA, Philippines – Nababahala ang Commission on Elections (Comelec) sa text spoofing na maaaring magamit laban sa mga kandidato sa May 2025 elections.
“Talagang dapat labanan natin ito, yung mga text blasting na iyan, sapagkat puwede palabasin na ang isang kandidato ang nagpapadala ng isang text message kahit hindi naman talaga siya,” sinabi ni Comelec chairperson George Garcia.
Ayon kay Garcia, nakatakdang makipagkasundo ang Comelec sa National Telecommunications Commission (NTC) para labanan ang text spoofing na may kinalaman sa papalapit na halalan.
“Tayo po ay nakikipag-ugnayan na sa NTC. In fact, makikipaglagdaan kami ng kasunduan sapagkat siyempre napakalimitado po ng kakayanan ng Comelec. Kakailanganin natin ng ibang ahensya ng pamahalaan,” anang opisyal. RNT/JGC