Home METRO Comelec nagbabala sa mga nagpapakalat ng fake news

Comelec nagbabala sa mga nagpapakalat ng fake news

333
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng Commission on Elections na magsilbing babala na ang pagpapakalat ng ‘fake news’ ay isang election offense.

Ang pahayag ng komisyon ay sa kabila ng pagbasura ng Korte Suprema sa disqualification case laban kay Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice.

Ayon sa Comelec, paalala pa rin ito sa publiko na ang pagpapakalat ng maling impormasyon ay election offense na layon lamang na guluhin ang proseso ng halalan o lituhin ang mga botante.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na napapanahon ang nasabing desisyon dahil laganap ang fake news sa mga panahon ngayon.

Pero dapat aniya gamitin ang batas laban sa fake news nang may paggalang sa kalayaan sa pamamahayag.

Dagdag pa ni Garcia, pinagtibay ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Comelec na mag-imbestiga at magsampa ng kaso laban sa mga lumalabag sa batas.

Ibinasura ng Korte Suprema ang disqualification case ni Erice na inihain ng Comelec kaugnay ng umano’y pagpapakalat niya ng maling impormasyon sa halalan.

Ayon sa Korte Suprema, nagkamali ang Comelec sa pagdisqualify kay Erice nang walang tamang proseso, dahil tungkulin lamang nitong mag-imbestiga, habang ang Regional Trial Court (RTC) ang may kapangyarihang magpasya kung may paglabag sa batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here