Home NATIONWIDE Comelec nagbabala sa vote buying sa pagsisimula ng kampanya sa BARMM polls

Comelec nagbabala sa vote buying sa pagsisimula ng kampanya sa BARMM polls

280
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na babantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang vote buying at vote selling sa pagsisimula ng campaign period para sa pagsisimula ng campaign period ngayong araw, Agosto 28, sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary elections.

Kasabay ng pagsisimula ng campaign period, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na activated na rin ang Komite Kontra Bigay, Task Force KKK, task force safe on anti discrimination at Task Force Baklas.

Giit ng Comelec, hindi sila magdadalawang isip na mag-diskwalipika ng kandidato at magsampa ng kasong kriminal sa lalabag gaya na rin ng napatunayan ng komisyon sa nagdaang halalan.

Sinabi ni Garcia na gagamitin nila ang buong pwersa ng batas para mapanagot ang lalabag at mag-vote buying.

Naniniwala si Garcia na gagawin ng Bangsamoro ang lahat para maging maayos ang kampanya, maging payapa ang eleksyon at maging malinis ang kauna- unahang election sa Bangsamoro Parliamentary election. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here