MANILA, Philippines – Pinoproseso pa ang pormal na aplikasyon para maisama sa Witness Protection Program (WPP) ang whistleblower sa missing sabungeros na si Julie ‘Dondon’ Patidongan, sinabi ng Department of Justice (DOJ).
Sinabi ito ni DOJ Assistant Seretary Eliseo Cruz sa isinagawang pagdinig sa Committee on Human Rights sa Kamara nitong Miyerkules matapos tanungin ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima kung mayroong pormal na aplikasyon para sa WPP coverage para kay Patidongan.
Kasama sa benepisyo sa WPP ay ang security protection at escort sevices, immunity sa criminal prosecution at hindi papatawan ng anumang parusa o forfeiture sa anumang transaksyon, usapin o bagay na may kinalaman sa kanyang testimonya o libro, dokumento o ginawang sulat, bukod sa iba pa.
Si Patidongan ay unang kinilala bilang si alyas ‘Totoy’ na nagsabi na ang 34 missing sabungeros ay iniulat na inilibing sa Taal Lake noong Hunyo ng kasalukuyang taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden