MANILA, Philippines- Naglabas ng bagong reslusyon ang Commission on Elections (Comelec) na nagdedeklara na lahat ng election-related activities at online election-related platforms kabilang ang social media bilang ‘safe spaces’ para sa 2025 national at local elections.
Sinusugan ng Comelec Resolution No.11127 ang Resolution No.1116 o ang Anti-Discrimation and Fair Campaigning Guidelines na kinabibilangan ng diskriminasyon laban sa kababaihan at panliligalig na nakabatay sa kasarian.
Sinasaklaw din nito ang mga gawain ng pambu-bully at diskriminasyon na kinasasangkutan ng kasarian, etnisidad, edad, relihiyon at mga kapansanan, bukod sa iba pa.
Sa ilalim ng amendend resolution, sinabi ni Garcia na isaalang-alang ng komisyon ang child abuse, discrimination at incitement bilang election offenses.
Kasama rin ang immoral doctrines, obscene publications, exhibitions at indecent shows gayundin ang racial discrimination.
Nauna nang sinabi ni Garcia na imumngkahi ang paglikha ng mga ‘safe space’ sa social media, maging sa mga voting precinct at canvassing areas, upang makatulong na protektahan ang mga botante bago ang may 2025 midterm elections.
Ito ay kasunod ng mga insidente kung saan ang ilang mga kandidato ay gumawa ng malalaswang pananalita sa panahon ng campaign sorties sa kasagsagan ng panahon ng halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden