Nitong nakaraang Abril 6, ang Zero One ang unang rumesponde sa naganap na unang alarmang sunog sa Bernabe Compound, Pulang Lupa Uno.
Agad na itinalaga ng Zero One ang kanilang pumper unit upang maagapan ang pagkalat ng apoy at hindi na madamay pa ang mga katabing bahay sa lugar kung saan nagpasalamat naman ang mga residente sa kanilang agarang pagtugon sa naganap na sunog sa kanilang lugar.
Kinabukasan, Abril 7, ay sumiklab naman ang isang malaking sunog sa Dalandan Street, Golden Acres kung saan maraming kabahayan ang natupok ng apoy nag awa lamang sa light materials.
Ayon sa Las Piñas Bureau of Fire Protection (BFP), inabot ng ikalawang alarma ang sunog na naging dahilan ng pagkasawi ng apat na miyembro ng pamilya na na-trap sa loob ng kanilang bahay.
Kabilang din ang Zero One sa unang rumesponde sa lugar na nakapag-apula sa sunog gayundin ang pagtulong sa mga biktima sa paglipat sa evacuation centers sa lungsod.
Ang Zero One Volunteer Fire Brigade ay may pribadong pondo na itinatag ni Aguilar na matatandaang nag-donate ng apat na fire trucks sa Las Piñas, kabilang na ang kauna-unahang ladderized fire truck, na kalimitang rumeresponde sa mga pampublikong emergency sa lungsod.
“These events show why we must continue investing in rapid response and training for both responders and the public. Every second matters. No family should ever feel helpless while waiting for help. That’s why we need a city-wide emergency hotline and real fire safety education at the barangay level,” ani Aguilar.
Sa kanyang inilatag na plataporma sa pangangampanya, sinabi ni Aguilar ang kahalagahan ng paghahanda sa panahon ng emergency kung saan kanyang ilulunsad ang 24/7 emergency hotline at expanded community fire safety training.
“This isn’t just a campaign promise — this is work we’ve already started, and we’re committed to scaling it for the entire city,” aniya.
“Zero One Volunteer Fire Brigade is proof that when we invest in preparedness, we can make a real difference and save people’s lives,” dagdag pa ni Aguilar. (James I. Catapusan)