Home OPINION MGA LANGIS NG PINAS KALKALIN NA (2)

MGA LANGIS NG PINAS KALKALIN NA (2)

1
0

MAGTATAPOS ang Malampaya supply sa susunod na taon o makaraan ang 25 taon at kung makalkal sana ang Liguasan natural gas, may maidagdag na nasa 35 taong suplay na paglikha ng kuryente.

Magtatagal naman ang 4.8 bilyong krudo sa Liguasan marsh ng mahigit 26 taon batay sa pinagsama-samang konsumong krudo at produktong petrolyo natin taon-taon na 180 milyong bariles.

Ngunit meron pa ngang ibang mga depositong krudo, natural gas at methane gaya ng nasa Recto Bank na may pinakamalaking deposito, bukod pa ang mga nasa Cagayan Valley, Cebu at iba pa.

Matagal nang pinag-uusapan ang pagkalkal sa mga yamang langis na ito at tanging ang Malampaya at Galoc sa Palawan ang gumagana habang kinakalkal pa ang nasa Alegria, Cebu na may malalaki ring deposito ng natural gas at krudo.

Kung iisipin, may sapat nang talino at kakayahan ang mga Filipino na magkalkal at magproduksyon ng mga yamang langis sa laki ng karanasan nila sa loob at labas ng bansa, gaya sa Gitnang Silangan.

Ngunit hindi gaanong nagagamit ang mga ito.

Ang mga gamit at teknolohiya ang may kakulangan ngunit pupwede namang makipag-partner ang Pilipinas sa ibang mga kompanya o bansa na hindi mapagsamantala at may patas na pakikipaghatian sa lahat ng gawain, gastos at pakinabang.

Isa pa, kung iaalay lang sana ang mga pampublikong pondo para sa serbisyo publiko at hindi ninanakaw, matagal na sana tayong nakapag-umpisang magkalkal ng mga yamang langis.

Sa flood control projects lamang, nasayang ang nasa P1.7 trilyong buwis ng bayan sa nakawan at kikbakan lang sa nakalipas na apat na taon at kung inilagak lang sana sa pagkalkal ng mga yamag langis ng Pinas, anomang araw ay mapakikinabangan na sana ang mga ito at hindi gaanong maghirap ang bansa sa krisis sa suplay at presyo ng krudo, natural gas at mga produktong petrolyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here