Home TOP STORIES Imee naasiwa sa supporter?

Imee naasiwa sa supporter?

Umani ng batikos si Senadora Imee Marcos matapos kumalat sa social media ang video na nagpapakitang nandiri siya sa isang supporter na nagpakuha ng larawan sa kanya.

Sa video post ng Facebook page na Boldyakera, makikita ang isang babae na excited magpakuha ng larawan kay Imee pagkatapos ng isang event.

Humawak ang babae sa braso ni Sen. Imee, na agad namang inalis ang kanyang braso at lumayo. May bodyguard namang lumapit sa babae at inilayo ang kanyang braso sa mambabatas.

“Kawawa naman si ate napahiya. Ayaw pahawakan, kasi feeling so malinis,” komento ng isang netizen.

Paniwala naman ng isang netizen, dahil sa pangyayari ay lumitaw lang ang totoong pagkatao ni Imee na pilit niyang itinatago.

“So wake up people, let us be wise when voting for candidates in the upcoming elections,” payo pa ng netizen.

Nag-viral din kamakailan si Imee dahil sa nilangaw niyang motorcade.

Batay sa video, wala man lang taong nag-abang sa pagdaan ng motorcade ni Marcos, na sakay ng isang puting pick-up truck. RNT