Home NATIONWIDE Sa 45,000 public schools, 966 lang may anti-bullying committees – Gatchalian

Sa 45,000 public schools, 966 lang may anti-bullying committees – Gatchalian

MANILA, Philippines- Tanging 966 mula sa mahigit 45,000 public school sa buong bansa ang may kumikilos na child protection committees na may layuning tugunan ang problema ng bullying, base sa datos na nakuha ni Senador Win Gatchalian mula sa Department of Education.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on basic education nitong Martes, sinabi ni Gatchalian na masyadong maliit laang ang bilang ng paaralan na may anti-bullying committee kaya palaging nagkakaroon ng problema.

“No wonder magkakaroon tayo ng bullying,” ani Gatchalian.

“Nakakagulat naman na 966 out of 45,000 [number of schools in the country]. That’s only 2% of our total schools,” giit niya.

Sa ilalim ng implementing rules and regulations ng Republic Act No. 10627 o ang Anti-Bullying Law na isinabatas noong 2013, inaatasan ang CPCs na pamahalaan ang lahat ng bullying cases sa paaralan.

Kabilang sa CPC ang scholl head, isang guidance counselor, kinatawan mula sa hanay ng guro, magulang, estudyante at komunidad.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Gatchalian ang DepEd report na nagpapakitang 966 lang mula sa 3, 210 paaralan na isinailalim sa ebalwasyon noong Nobyembre 2024 ang may kumikilos na CPCs.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary for Operations Dexter Galban, na nasa developing stage pa lamang ang nalalabing 3,210 sa pagbuo ng kanilang komite.

Iginiit ni Gatchalian na tungkulin ng CPCs na maiwasan,matukoy at tugunan ang bullying sa lahat ng paaralan.

Para kay Gatchalian, dapat papanagutin ang school principal sa kabiguan nitong lumikha ng CPCs sa lahat ng paaralan na pawang fully functional.

Bilang tugon, sinabi ni Galban na sinisipat ngayon ng DepEd na patawan ng posibleng parusa ang mga paaralan na nabigong lumikha ng CPCs.

“Please be strict about the creation of this CPC dahil mensahe ito e. Kung hindi natin ito nabuo on the ground, mensahe na hindi natin sineseryoso ang bullying sa bansa natin. So this is basic and I want this addressed as well,” ayon kay Gatchalian.

Bukod dito, pinuna rin ni Gatchalian ang pagkakaantala sa implementasyon ng GMRC Law.

“We believe that GMRC will help address bullying by inculcating good manners and right conduct at the beginning of the school-age or the beginning of the schooling of the child. Pero I understand that right now, hindi pa siya fully implemented,” ani Gatchalian.

“It’s only implemented in grades 1,4, and 7 this coming school year 2024-2025. But in the IRR of the same law, the shift from teaching Edukasyon sa Pagpapakatao to GMRC and Values Education shall be implemented by School Year 2022-2023 in all public schools,” giit pa ni Gatchalian.

“So dapat in SY 2022-2023 implemented na siya. So why the delay?” tanong ng senador.

Sinabi ni Gatchalian na naisabatas ang GMRC Law upang tugunan ang bullying pero hindi naipatupad.

“Without implementing this, hindi natin matatapos itong mga ganitong problema,” wika ni Gatchalian.

Ipinaliwanag naman ni DepEd Assistant Regional Director Cristito Eco na binigyang prayoridad ng ahensya ang integrasgon ng GMRC hanggang makalikha ng revised curriculum.

“In the previous years, ang ginamit muna namin ay integration but it is also a part of the Values Education. So for now, when we revised the curriculum for Grades 1, 4, and 7 it’s already explicit as a separate subject,” ayon kay Eco.

Pero, iginiit ni Gatchalian na dapat lubusan nang ipatupad ang GMRC Law sa 2025-2026 school dahil hindi makapaghihintay ang komite.

“What we demand from this committee is a full implementation of GMRC this coming school year. We cannot wait any more,” pahayag ng senador.

Tiniyak naman ni Galban na bibigyan ng high-priority interveentiuons ang isyu para sa school year 2025 – 2026. Ernie Reyes