Home NATIONWIDE Comelec naglabas ng pinal na hatol sa pagkapanalo ni Teodoro sa Marikina

Comelec naglabas ng pinal na hatol sa pagkapanalo ni Teodoro sa Marikina

Supporters of Congressman-elect Marcy Teodoro gathered today, July 1, at the Marikina COMELEC office, awaiting his official proclamation as the winner of the congressional race for the 1st district of Marikina, following the final and executory order of the COMELEC En Banc. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Naglabas na ng Certificate of Finality at Entry of Judgement ang Comelec e banc sa kandidatura at pagkapanalo ni Marcy Teodoro bilang kinatawan ng Unang distrito ng Marikina.

Ito ay para maibasura ang petisyon laban sa kanya at pinapaboran ang kanyang motion for reconsideration kaugnay ng umano’y material misrepresentation.

Nangangahulugan lamang nito na tuluyan nang pinayagan ng Commission on Elections (COMELEC) na maiproklama si Teodoro.

Ayon sa Comelec, dahil natanggap na ng mga petitioner ang desisyon noong Hunyo 25 at walang inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema sa loob ng limang araw, maaari nang ipatupad ang desisyon ng COMELEC En Banc. Jocelyn Tabangcura-Domenden