Home NATIONWIDE Comelec nagsagawa ng Operation Baklas

Comelec nagsagawa ng Operation Baklas

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng simulataneous regionwide operation baklas ng mga campaign materials ng mga kandidato ang Commission on Elections (Comelec) ngayong araw.

Sa Maynila, pinangunahan ni Comelec Chairman George Garcia ang operasyon kasama ang ilang tauhan ng Manila Police District (MPD).

Mula sa tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador, ang Manila Operation Unit, Operation Baklas sinimulan ang pagbabaklas ng ga capign posters sa Mel Lopez Bridge,Harbour Center Manila, Capulong St., Tondo; estero de Vitas;Honorio Lopez Bpulevard at R.fernandez; Yuseco St at Juan Luna St; Radial Road 10 at Moriones St sa Tondo Manila.

Nagsagawa rin ng operasyon sa san Marcelijo st patungong Apacible St hanggang P.Quirino Avenue patungong Roxas Blvd.

Isang araw bago umarangkada ang campaign period para sa national post ay makikita na ang nagkalat na mga campaign materials, tulad ng posters,tarpulin sa mga kalsada partikular sa mga poste partikular sa mga street light o poste ng ilaw. Jocelyn Tabangcura-Domenden