MANILA, Philippines – Nakapagtala na ang Commission on Elections (Comelec) ng 29 validated election-related violent incidents (ERVIs) bago ang halalang 2025.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na 15 violent incidents ang under validation kung ito ay may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon.
Karamihan aniya sa validated ERVIs ay nangyari sa bangsamoro Autonmous Region sa Muslim MIndanao (BARMM).
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga top officials ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame sa Quezon City, sinabi ni Garcia na nakatutok sa kanilang talakayan ang Bangsamoro hindi dahil isang special region kundi dahil na-postpone ang halalan doon.
Ayon kay Garcia, nais nilang malaman ang implikasyon o epekto ng pagkaka-reset ng Bangsamoro election.
Inihayag ng MalacaƱang noong Pebrero 21 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12123, na naglilipat sa unang halalan sa BARMM sa Oktubre 13.
Sinabi ni Garcia na napag-usapan din nila ng mga matataas na opisyal ng pulisya, sa pangunguna ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ang pagtaas ng bilang ng karahasan.
Sinabi ni Garcia na susuriin din ng Comelec sa PNP ang posibleng pagsasaayos sa mga tinukoy na areas of concern.
Nauna nang tinukoy ng Comelec ang 38 na lugar sa ilalim ng red category na may seryosong armadong pagbabanta at kasaysayan ng mga insidente na may kaugnayan sa halalan, 177 sa ilalim ng orange category, na may malubhang armadong pagbabanta at 188 sa ilalim ng yellow category, na may kasaysayan ng mga insidente na may kaugnayan sa halalan.
Sinabi ni Garcia na umaasa sila na ang sitwasyon ng seguridad sa mga lugar na ito ay maayos na matugunan upang mawala ang interbensyon ng Comelec.
Hinimok niya ang mga lokal na pulitiko at kandidato na makipagtulungan sa mga hakbang sa seguridad upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden