MANILA, Philippines – Ipinapalagay ng Commission on Elections na suspendido ang Oplan Katok ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng eleksyon.
Ang Oplan Katok ay isang door-to-door operation na isinagawa ng pulisya upang hilingin sa mga mamamayan na may mga hindi rehistradong baril na i-renew ang kanilang mga lisensya at hikayatin silang isuko ang kanilang mga baril para sa safekeeping.
Sinabi ni Comelec George Erwin Garcia, na ibinasa niya ang obserbasyon na ipinapalagay na suspendido ang Oplan Katok sa sinabi niyang pangako ni PNP chief Rommel Marbil sa Comelec.
Ayon kay Garcia, sa pinakahuling pagbisita ni Chief PNP sa Comelec, nangako ito na ang buong organisasyon ng PNP ay susunod sa anumang kautusan ng Commission on Electios.
Dahil dito, sinabi ni Garcia na wala silang namomonitor na anumang aktibidad ng Oplan Katok at ipinapalagay na sinuspinde ng Philippine National Police dahil sa pangako ng PNP chief.
Sa ilalim ng batas, ang PNP ay deputized agency ng Comelec sa panahon ng halalan.
Nangangahulugan ito na ang poll body ay may kapangyarihang magsagawa ng direktang pangangasiwa at kontrol sa pulisya na iniaatas ng batas na magsaawa ng mga tungkulin na may kaugnayan sa pagsasagawa ng mga halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden