Home NATIONWIDE SC nagbigay-linaw sa kaso ng pwersahang pagsakop sa mga lupain

SC nagbigay-linaw sa kaso ng pwersahang pagsakop sa mga lupain

MANILA, Philippines – Muling nagpaalala ang Korte Suprema na sa mga forcible entry cases, hindi ang pagmamay-ari ng ari-arian ang isyu kundi ang prior physical possession o kung sino ang dating may hawak nito.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Jose Midas P. Marquez, inatasan ng First Division ng Korte sina Ernie “Toto” Castillo, at iba pa na lisanin ang isang lote (Lot 1957) sa Barangay Matina, Davao City matapos mapatunayan na pwersahan nilang pinasok ang lote.

Sa kanyang reklamong forcible entry, sinabi ni Edgar M. Rico (Rico) na siya ang may hawak ng Lot 1957 sa bisa ng isang free patent application. Pero noong October 11, 2005, pinasok nina Castillo ang lote sa pamamagitan ng pagsira sa steel gate at paggiba sa mga nakatayong istruktura.

Sinang-ayunan ng Korte Suprema ang mga desisyon ng Municipal Trial Court in Cities at ng Regional Trial Court at binaliktad ang desisyon ng Court of Appeals.

Ayon sa Korte, ang forcible entry cases ay tungkol sa kung sino ang may hawak ng ari-arian at hindi tungkol sa pagmamay-ari nito.

Dahil napatunayang si Rico ang may prior possession, siya ang nararapat na umukopa sa lote kaya pinapaalis nito sina Castillo, at iba pa. TERESA TAVARES