Home NATIONWIDE Comelec nakapagtala ng higit 4.6M bagong botante para sa Eleksyon 2025

Comelec nakapagtala ng higit 4.6M bagong botante para sa Eleksyon 2025

182
0

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Commission on Elections (Comelec) ng mahigit 4.6 milyong botante para sa 2025 May polls.

Batay sa datos na ibinahagi sa mga mamamahayag, makikitang may kabuuang 4,672,947 ang bagong botante para sa 2025 NLE hanggang nitong Hulyo 26.

Sa bilang na ito, nakapagtala ang Calabarzon ng pinakamaraming registrants sa 783,860. Sinundan ito ng National Capital Region (NCR) sa 641,190; Central Luzon sa  545,653; Davao Region sa 276,967; at Central Visayas sa 249,186.

Nakapagtala naman ang Comelec main office ng 7,620 bagong botante.

Samantala, umabot ang female registrants sa 2,415,247 habang pumalo ang bilang ng male registrants sa 2,257,700.

Nagsimula ang voter registration period para sa May 2025 midterm polls noong Pebrero 12, at matatapos sa Setyembre 30, 2024.

Maaaring magparehistro ang mga aplikante mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 hanggang alas-5 ng hapon sa Comelec offices sa buong bansa.

Bukas din ang Register Anywhere Program ng poll body para sa mga nais magparehistro sa itinalagang sites tulad ng mga mall at mga paaralan. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here