Home NATIONWIDE Comelec nakatanggap ng higit 2M aplikasyon para sa voter registration

Comelec nakatanggap ng higit 2M aplikasyon para sa voter registration

MANILA, Philippines- Kabilang sa mahigit dalawang milyong aplikasyon ang natanggap ng Commission on Elections para sa voter registration.

Ayon sa Comelec Election and Barangay Affairs Department-Precinct Division Atty. Jennifer Felipe, ito ay mula nang magsimula ang voter registration noong nakaraang Pebrero.

Hinimok naman ng Comelec ang mga botante na huwag nang hintayin ang last-minute at magparehistro na bago ang deadline sa Setyembre 30.

Kaugnay nito, ang pilot internet voting para sa overseas Filipinos para sa 2025 elections ay nakatakda upang mahikayat ang mas mataas na voter turnout.

Noong 2022, nasa 600,000 lamang ng 1.6 milyong rehistradong overseas Filipino voters ang bumoto.

Nitong unang bahagi ng buwan, nagsagawa ang komisyon ng pangalawang round ng bidding para sa P465.8 milyong Online Voting and Counting System (OVCS), ang pangalawang pinakamalaking kontrata para sa susunod na botohan. Jocelyn Tabangcura-Domenden