MANILA, Philippines – Nakatanggap ng reklamo ng vote-buying ang Commission on Elections (Comelec) laban sa national candidate at tatlong party-list organziations na tumatakbo para sa 2025 elections, sinabi ng isang komisyuner ng komisyon.
Sinabi ni Commissioner Ernesto Maceda Jr, chairperson ng Committee on Kontra-Bigay na ang Comelec ay nakatanggap ng 63 ulat ng illegal na gawain na may kilaman sa nalalapit na halalan.
Karamihan sa reklamo ay iniulat mula sa National Capital Region (NCR), Region III at Region IV-A.
Hindi naman binanggit ni Maceda ang nag-iisang national candidate na sangkot sa vote-buying.
Ayon kay Maceda, kung matutukoy ang Committee on Kontra -Bigay na may sapat na ebidensya sa mga reklamo, doon lamang sila magpapasya kung isasampa ang disqualification case o i-refer ang report sa Comelec Law Department para sa paghahain ng election offense.
Ang komite ay maaaring motu propio na maghain ng disqualification petition.
Samantala, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nakikipag-ugnayan ang Comelec sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod ng imbestigasyon sa umano’y ASR cases para sa pagsasampa ng posibleng paglabag. Jocelyn Tabangcura-Domenden