Home NATIONWIDE Comelec ‘no comment’ sa alegasyong dayaan sa 2025 elections ni VP Sara

Comelec ‘no comment’ sa alegasyong dayaan sa 2025 elections ni VP Sara

MANILA, Philippines – “No comment” ang Commission on Elections (Comelec) sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon ng dayaan sa nakaraang May 12 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, iginagalang nila ang pahayag ni VP Sara at naniniwala silang malaya ang sinuman na magpahayag ng opinyon bilang bahagi ng demokrasya.

Ito ay matapos sabihin ng Pangalawang Pangulo na may tatlong nanalong miyembro ng kanilang partidong PDP-Laban na tumakbo sa pagka-senador.

Kasama umano rito sina Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc, at Richard Moto.

Sa isang pahayag, inatasan ni VP Sara ang partido na kwestiyunin ang naging proseso sa nagdaang eleksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden