Home METRO Comelec: Pahayag sa social media sa diskwalipikasyon ni Acop sa Antipolo special...

Comelec: Pahayag sa social media sa diskwalipikasyon ni Acop sa Antipolo special election, fake news!

178
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec)  ang isang election-related disinformation sa social media kaugnay sa nakatakdang halalan sa ikalawang distrito ng Antipolo City.

Sa inilabas na paalala ng Comelec, hindi pa nadedesisyunan ng en banc ang reklamong inihain laban kay Bong Acop na tumatakbong kinatawan ng distrito kung saan gaganapin ang special election sa Marso 14, Sabado.

Paliwanag ng Comelec, ang kumakalat sa social media post ng VIS News Media na nagpapahayag na diskwalipikado na umano si Acop bilang kandidato ay ‘fake news’.

Noong Lunes, Marso 2 ay nakatanggal ng election offense complaint ang Comelec laban kay Acop na inihain ng Isang residente ng Antipolo City ngunit ayon sa Comelec, hindi ito nangangahulugan na si Bong Acop ay diskwalipikado na.

Ayon pa sa Comelec, dadaan sa masusing pag-aaral at proseso ang inihain reklamo.

Pinapaalalahanan  ng Comelec ang lahat na maging napanuri sa mga  nakikita at nababasa online.

Para naman sa tamang impornasyon tungkol sa halalan, bisitahin lamang ang opisyal  Comelec social media accounts. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here