Home NATIONWIDE Comelec sa Barangay, SK officials: Pondo ng gobyerno ‘wag gamitin sa pagkampanya

Comelec sa Barangay, SK officials: Pondo ng gobyerno ‘wag gamitin sa pagkampanya

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na iwasang gumamit ng state resources sa pangangampanya para sa kanilang kandidato sa midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang pag-apruba ng poll body para sa mga halal na opsiyal ng barangay na sumali sa partisan political at pangangampanya ay hindi umaabot sa paggamit ng resources ng gobyerno para sa layuning ito.

Gayundin, hinimok ni Garcia ang mga barangay officials na maging patas sa mga kandidato na nangangailangan ng venues sa kanilang lugar para sa pangangampanya.

Ang local campaign para sa mga local na kandidato ay magsisimula sa Biyernes at tatakbo hanggang Mayo 10.

Samantala, tiniyak ni Garcia sa publiko na walang ‘dagdag-bawas’ sa halalan.

Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos sabihin ni Vice President Sara Duterte ang pangamba ng kanyang ama ,ang dating pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pagkakaroon ng dayaan sa election partikular ang ‘dagdag-bawas’ sa midterm election. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)