Home NATIONWIDE Comelec sa mga negosyo: Mga empleyado hikating bumoto

Comelec sa mga negosyo: Mga empleyado hikating bumoto

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa business community noong Miyerkules na makibahagi sa voters’ education campaign nito sa pagsisimula ng pamamahagi ng voter information sheets (VIS) sa buong bansa para sa Eleksyon 2025.

Noong Miyerkules inilunsad ng Comelec ang nationwide distribution ng VIS para sa midterm elections sa Mayo.

Nakalagay sa VIS ang pangalan at address ng botante pati ang instructions at paalala kung paano bumoto.

Kasama rin sa VIS ang listahan ng national at local na kandidato at 155 party-lists para sa 2025 National at Local Elections (NLE).

Binanggit ni Garcia ang kahalagahan ng business community trust sa electoral process at ang implikasyon nito sa ekonomiya.

“Kung hindi nila pinagkakatiwalaan ang proseso at sistema natin ay paano mag-iimprove ang ating ekonomiya?” ayon pa kay Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden