MANILA, Philippines- Tumataas ang bilang ng scam sa pamamagitan ng tawag sa telepono kaysa text scams, ayon sa ulat.
Naalarma ang Cybercrime Investigation and Coordinating center (CICC) sa pagtaas ng bilang ng call scams base sa ulat ng anti-scam app Whoscall.
Sa ulat, sinabi na ang text scams ay nanatiling nangungunang problema na may 648,239 scam messages na naitala ng app sa unang kwarter ng 2025.
Ito ay mas mababa kaysa 1,143,268 scam messages sa parehong panahon noong nakaraang taon o 43.3% na pagbaba taon-taon.
Pero ang scam calls ay umakyat sa 225.17% mula 108,157 noong unang kwarter ng nakaraang taon sa 351,699 noong Enero hanggang Marso 2025.
Sinabi ni Scam Watch Pilipinas Co-Founder Jocel de Guzman na maraming scammer ang mistulang lehitimo, kaya naman may mga biktima na nahuhulog sa kanilang mga alok.
Gumagawa na rin ngayon ang CICC ng mga alituntunin para sa isang high-tech na app na ginagamit ng mga ahensya ng gobyerno, stakeholder partner at maging ng media cab para iberipika kung lehitimo o ngayon ang mga larawan o video sa social media.
Plano ng ahensya na ilabas ang proseso ng accreditation sa mga darating na linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden