Home METRO Lolo na nagmolestiya sa 10-anyos na apo swak sa selda

Lolo na nagmolestiya sa 10-anyos na apo swak sa selda

MANILA, Philippines- Swak sa selda ang isang 63-anyos na lalaki matapos arestuhin ng Angono police nitong Martes, dahil sa panggagahasa sa noo’y 10-taong gulang na apo niyang babae noong 2019.

Ang suspek na kinilalang si “Joel,” ay nakalista bilang No. 2 Most Wanted Person sa ilalim ng provincial level. Nahuli siya sa Barangay San Isidro, Angono Rizal.  

Batay kay Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) director Col. Felipe Maraggun, si Joel ang ama ng madrasta ng biktima.

Inabuso niya ang bata noong 2019 at noong February 2022.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Angono ang suspek at nahaharap sa kasong statutory rape. RNT/SA