Home NATIONWIDE PAOCC: Deportasyon ng POGO detainees paspasan

PAOCC: Deportasyon ng POGO detainees paspasan

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na pabilisin ang pagpapatapon sa mga dayuhang nakaditine sa bansa, dahil sa matinding pagsisikip sa Pasay City detention facility na sinasabing nagdulot ng malawakang pagkakasakit.

Ayon sa ulat,nasa 400 detainees ang naospital noong Marso lamang matapos makaranas ng flu-like symtoms at iba pang komplikasyon sa kalusugan. 

Sa ulat, maraming detainees ang napipilitang humiga sa sahig dahil lampas na sa kapasidad ang pasilidad.

Ang mga lugar na orihinal na itinalaga para sa paghawak at pagproseso ay ginagamit na ngayon bilang mga kulungan upang ma-accomodate ang pagtaas ng bilang ng naaresto mula sa anti-crime at anti-POGO operations.

Kabilang sa naospital kamakailan ay si Tony Yang, ang kapatid ng dating presidential economic adviser Michael Yang.

Mayroon na ring iniulat na dalawang detainess na namatay dahil sa komplikasyon na may kaugnayan sa dati nilang kondisyon. Bukod dito, may anim na bilanggong buntis na sumsailalim ng medical care at regular check-ups.

Nakipag-ugnayan ang PAOCC sa Department of Health (DOH), Bureau of Immigration (BI) at Department of Justice (DOJ) hinggil sa paghawak ng mga medikal na pangangailangan ng mga dayuhan at potensyal na paglilipat. Jocelyn Tabangcura-Domenden