Home NATIONWIDE Comelec: Voter registration para sa BSKE tuloy sa July 1-15

Comelec: Voter registration para sa BSKE tuloy sa July 1-15

MANILA, Philippines- Itutuloy pa rin ang voter registration sa Hulyo 1 hanggang 15 para sa barangay at Sangguniang Kabataan election.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ito ay kahit pa magkaroon ng pagbabago sa petsa ng eleksyon para sa BSKE depende sa aksyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Aniya, mahalagang makapagsagawa na ng regstration para makapagpatala na ng mga bagong botante kahit man lamang sa loob ng 15 araw.

Nakaantabay naman ang Comelec sa mga magaganap sa Senado para updated kung magbabago ba ang botohan na nakatakda sa Disyembre.

Sa kabila naman nito, tuloy-tuloy din naman aniya ang mga paghahanda nila sa manual na halalan para sa SK at barangay. Jocelyn Tabangcura-Domenden