Home NATIONWIDE Comelec: Voter turnout sa Dasma special elections posibleng bumaba sa masamang panahon

Comelec: Voter turnout sa Dasma special elections posibleng bumaba sa masamang panahon

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng bumaba ang voter turnout sa Dadmariñas Special Elections ngayong araw dahil sa nararanasang pag-ulan.

Ayon ito sa Commission on Elections (Comelec) ngunit nilinaw ni Comelec Chairman Erwin George Garcia na hindi ito magiging hadlang sa proklamasyon ng mananalong kandidato.

Giit ni Garcia, basta maayos na maisagawa ang halalan, kikilalanin ang resulta nito anuman ang voter turnout.

Target naman na maiproklama ang mananalong kandidato bukas ng madaling araw, Linggo, pagkatapos lamang ng bilangan at canvassing ng boto.

Una nang sinabi ng Comelec na maaaring pahabain ang pagboto depende sa kondisyon ng panahon.

Ang ginanap na special election sa Dasmarinas ay upang punan ang binakanteng pwesto ni dating Cong. Kiko Barzaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here