Home NATIONWIDE Comelec: Wala pang bidder para sa overseas online voting system

Comelec: Wala pang bidder para sa overseas online voting system

MANILA, Philippines- Wala pa ring bidder ang Commission on Elections (Comelec) para sa overseas online voting and counting system (OVCS) para sa 2025 national and local elections.

Ibinunyag ni Comelec Special Bids and Awards Committte (SBAC) head Allen Francis Abaya sa pre-bid conference ng poll body nitong Huwebes na walang kompanyang bumili ng bidding documents para sa OVCS.

“As of today, we have no bidders yet,” sabi ni Abaya.

Ang Comelec bidding para sa overseas OVCS ay naging hadlang noong Pebrero 21 nang ideklarang “ineligible” ang dalawang bidder, ang Iondra Soluciones Technologias de la Information at We Are IT Philippines Inc.

Ang pangalawang bidding ay magbubukas sa Marso 21 ng alas-9 ng umaga habang nakatakda ang deadline ng pagbili ng bidding documents sa Marso 21.

Ayon kay Abaya, kung walang kompanyang bibili ng bidding documents mula sa Comelec, wala silang magagawa kundi magdeklara ng panibagong failure of bidding.

“If we will have no bidders on March 21, who will submit, then we will be declaring a failure of bidding,” pahayag ni Abaya.

Ayon sa SBAC, maari pa ring lumahok sa ikalawang bidding ang dalawang kompanyang idineklarang “ineligible” sa unang bidding dahil pagbabawalan lamang sila na lumahok kung sila ay na-blacklist.

Ayon kay Abaya, dumalo sa pre-bid conference ngayong Huwebes ang kinatawan ng Indra Soluciones Technologias de la Information. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKita ng 7/11 tinangay ng kawatan!
Next articleSoKor naalarma sa banggaan ng barko ng Tsina, Pinas