Home METRO Kita ng 7/11 tinangay ng kawatan!

Kita ng 7/11 tinangay ng kawatan!

MANILA, Philippines- Nasimot ang kita ng isang convenience store nang holdapin ng mga nagpakilalang kostumer nitong madaling araw ng Huwebes sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD-Station 8, pumasok sa 7/11 convenience store na matatagpuan sa Teresa St., Brgy 592, Sta. Mesa, Manila ng alas-2 ng madaling araw ang isang hindi nakilalang suspek.

Nakasuot ang suspek ng black jacket, maong jeans, black cap and black facemask, may taas na 5’7″ hanggang 5’8″ ,katamtaman ang pangangatawan at sakay ng hindi mabatid na motorsiklo.

Sa ng store manager ng naturang establisimyento, agad tinumbok ng suspek ang cashier at naglabas ng baril at nagdeklara ng hold-up saka sinimot ang kinita ng convenience store na aabot sa halagang P11,965 batay na rin sa isinagawang inventory.

Matapos ang pangho-holdap, tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Anonas Street.

Patuloy naman ang imbestigasyon at follow-up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePagdami ng Chinese ships tuwing may resupply mission sa Ayungin naobserbahan ng PH
Next articleComelec: Wala pang bidder para sa overseas online voting system