MANILA, Philippines – Hinihintay pa ang resolusyon sa isyu ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE ni Senator Rodante Marcoleta.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, wala pang inilalabas na resolusyon ang Political Finance and Affairs Department na siyang humahawak sa kaso.
Sa kabila ito na natapos na ang fact-finding investigation sa hindi umano pagkakatugma ng isinumiteng SOCE sa kaniyang statements of assets, liabilities, and net worth o SALN nang tumakbo ang senador noong 2025 Elections.
Nakadeklara umano sa kanyang SOCE na wala siyang natanggap na kontribusyon sa mahigit P112 milyon na gastos sa kampanya gayong aabot lamang sa halos P52 million ang kaniyang SALN.
Naging depensa rito ng senador na ibinigay ang campaign donation bago pa man siya maging opisyal na kandidato batay na rin sa PeƱera ruling kung saan magiging kandidato lamang ang isang naghain ng COC pagpasok ng unang araw ng campaign period.
Ang Comelec Law Department naman ang magdedesisyon kung tutuloy ang kaso sa preliminary investigation. Jocelyn Tabangcura-Domenden