Home ENTERTAINMENT Netizens, naguluhan sa pagkatalo ni Willie sa casino!

Netizens, naguluhan sa pagkatalo ni Willie sa casino!

145
0

Manila, Philippines – Natalo o nagpatalo?

Ito ang pinagtatalunan ng mga netizens makaraang inamin ni Willie Revillame na natalo siya nang mahigit P1 billion sa casino.

Ang rebelasyong ‘yon ng game show host ay umere sa At the Forefront on Bilyonaryo News Channel–sa panayam sa kanya ni Atty. Karen Jimeno.

Puzzled ang mga netizens dahil magkaiba nga naman ang kahulugan ng salitang “natalo” sa “nagpatalo.”

Anyway, hindi naman ipinagmamalaki ang huge casino losses ni Willie.

Aniya, “Sometimes, when you tell the truth, ang tingin nila, eh, mayabang ka…but that’s the truth!”

Wala daw sa ugali ni Willie na mag-imbento ng kuwento.

Giit niya: “Hindi ako nagsisinungaling. More than P1 billion ang natalo ko sa casino!”

Gayunpaman, walang nararamdamang panghihinayang si Willie sa natalo sa kanya.

May aral daw kasi siyang natutunan doon.

Katwiran niya: “Hindi naman sayang. Learning ‘yan sa akin…na talagang hindi ka mananalo pag hindi ka tumigil!”

But what an expensive lesson, huh! Ronnoe Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here