Home NATIONWIDE ‘Commercially operational’ nuclear power plants target ng DOE sa 2032

‘Commercially operational’ nuclear power plants target ng DOE sa 2032

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Energy (DOE) na target ng Pilipinas na magkaroon ng operational power plants sa hinaharap.

“We aim to have commercially operational nuclear power plants by 2032 with at least 1,200 megawatts initially entering the country’s power mix, to gradually increase to 4,800 megawatts by 2050,” pahayag ni Energy Undersecretary Sharon S. Garin.

Ang pahayag na ito ay kasabay ng pangunguna ni Garin sa Philippine delegation sa 68th Regular Session ng International Atomic Energy Agency (IAEA) General Conference sa Vienna, Austria.

Aniya, ang 2024 ay isang landmark year para sa bansa, at ang paglalabas ng sariling nuclear energy roadmap charts ay “way forward throughout the Milestones approach.”

“With the mandate from President Marcos Jr., we are laying a solid foundation for a sustainable nuclear energy program in the Philippines that will ensure utmost safety not just for Filipinos but also for the rest of the world,” ani Garin.

Idinagdag pa na kabilang sa mga prayoridad ng DOE ay ang reinforcement at pag-iwas ng erosion ng non-proliferation regime, existential threat para sa climate change, at injustice sa poverty, disease, at hunger.

Muling iginiit din ni Garin ang matibay na suporta ng bansa para sa mapayapang paggamit ng atomic energy, habang sinisiguro ang nuclear safety, security, at non-proliferation.

“Our country’s longstanding position is that the pillar of peaceful uses of atomic energy should be co-equal and not ancillary to nuclear disarmament and non-proliferation,” dagdag ni Garin. RNT/JGC