Home NATIONWIDE Napoles, 2 iba pa inabswelto ng Sandiganbayan sa graft, malversation charges

Napoles, 2 iba pa inabswelto ng Sandiganbayan sa graft, malversation charges

MANILA, Philippines – Inabswelto ng Sandiganbayan si Janet Napoles at dalawa iba pa sa reklamong graft at malversation dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa 98-pahinang desisyon na may petsang Setyembre 18, sinabi ng second division ng Sandiganbayan na bigong mapatunayan ng mga ipinresentang ebidensya na sangkot sina Napoles at ex-officials ng National Livelihood Development Corp. (NLDC) na sina Gondelina Amata at Gregoria Buenaventura, sa umano’y illegal na paglilipat ng pondo na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Kabilang sa kaso ang P5 million Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating La Union Rep. Victor Francisco Ortega.

Ang pera ay illegal umanong inilipat sa Social Development Program for Farmers Foundation, Inc. (SDPFFI), na napaulat na isang fake NGO na pagmamay-ari ni Napoles, sa pamamagitan ng project partner nitong NLDC noong 2009.

Sa desisyon ng Sandiganbayan, ipinag-utos ang pag-aalis ng hold departure orders laban kina Napoles, Amata, at Buenaventura.

Sa kabila nito, si Napoles, o tinatawag na “Pork Barrel Queen” dahil sa notoryus na PDAF scam, ay mananatili sa Correctional Institution for Women dahil siya ay convicted sa iba pang graft charges na inihain laban sa kanya. RNT/JGC