Home ENTERTAINMENT Concert nina Sarah G at Bamboo, kinansela!

Concert nina Sarah G at Bamboo, kinansela!

Manila, Philippines- Kinansela na ang concert nina Sarah Geronimo at Bamboo na gaganapin sana ng Biyernes, January 24 (US time) sa SABAN Theater sa Beverly Hills, USA dahil sa Los Angeles wildfires.

Bahagi ng statement ng organizer, “The decision was made to give ample time to everyone to recuperate from the devastating wildfires that engulfed the southern part of California.”

Lahat naman daw ng nakabili ng ticket ay maaari pa ring magamit sa panibagong date na itatakda sa nasabing concert.

Samantala, tuloy pa rin naman daw ang March 2, 2025 concert ng dalawa sa Pechanga Resort Casino Temecula California kaya wala raw dapat ipag-alala ang kanilang mga faney.

Pinapahatid naman daw nina Sarah at Bamboo ang kanilang pagmamahal at pag-alala sa mga naging biktima sa Southern California wildfires lalo na sa kanilang mga tagasuporta.

Hindi lang ito ang event na nakansela dahil sa wildfires.

Matatandaang hindi na rin natuloy ang Manila International Film Festival na dapat sana ay magaganap ngayong January 30 hanggang February 2 sa pareho ring kadahilanan, ang wilfdfires sa Los Angeles. Rommel Placente