MANILA, Philippines – Sa hangarin na masolusyunan na ang ilang “butas” sa Saligang Batas, iminungkahi ng isang mambabatas na magsagawa na ng constitutional convention upang mailatag ang mga kinakailang reporma para na rin sa ikabubuti ng bansa.
Ayon kay Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno ang nagpapahina sa legal foundation ng bansa ay ang mismong Konstitusyon kaya naman panahon na umanopara magkaroon ng rebuy sa 1987 Constitution.
Sa isang privilege speech sa Kamara sinabi ni Puno na ang ConCon ang syang dapat nang isulong ng Kongreso.
“Today, I submit to this august chamber that while the provisions of our Constitution are noble in aspiration, certain provisions are marked by ambiguity and procedural deficiency. These deficiencies do not merely complicate interpretation; they obstruct reform, hinder effective governance, and erode public trust,” paliwanag nito.
“My proposal is not a call to discard the Constitution. It is a call to complete and correct it.” giit pa nito.
Ang NUP ay may 44 na miyembro, ito ang ikalawang malaking political party sa Kamara, kasunud ng Lakas-CMD.
Sinabi ni Puno na kung ConCon ang gagawin ay mas matutukan ang pagrebyu sa Saligang Batas dahil ang mga delagado ay pipiliin kumpara sa constituent assembly na ang mga mambabatas ang syang aaktong delegado na karaniwang abala sa maramiong trrabahaho sa Kamara.
“Conflict of interest would be avoided, broader representation guaranteed, and risk of political expediency is reduced,” ani Puno.
Sinabi ni Puno na ilan sa pagkakataon na makikitang hindi malinaw ang Saligang Batas ay ang salitang “forthwith” sa Article XI, Section 3(4) sa impeachment na nagkaroon nhg ibat ibang interpretasyon.
“A Constitution that fails to provide clear, unambiguous guidance undermines its own purpose as the country’s fundamental law. When its wording is subject to multiple interpretations, the predictability of law dissolves, opening the door to legal confusion and arbitrary application,” pahayag nito.
Ilan pa sa hindi malinaw sa Saligang Batas ay ang Article VIII, Section 8 ng Judicial and Bar Council (JBC) na nagtatakda na mayroong miyembro ng Kongreso sa JBC; gayundin ang Article VI, Section 28, paragraph 4 o ang pagbibigay ng tax exemptions; ang Article VII, Section 19 o ang pagbibigay ng presidential grant ng amnesty at Article X, Section 8 o ang pagtatakda ng fixed three-year term para sa elective local officials.
Ipinaliwanag pa ni Puno na dahil sa pagkakaroon ng malawak na interpretasyon sa ilang probisyon sa Saligang Batas ay nagdudulot ito ng “loopholes”.
“Mr. Speaker, I do not stand before this Chamber to prescribe solutions to these complex legal dilemmas. But I do contend, with deep conviction, that the Filipino people deserve a Constitution that speaks plainly and very clearly,” pahayag ni Puno sa kanyang privilege speech.
Idinagdagpa ni Puno na bilang “supreme law of the land” ay dapat malinaw ang mga salita na nakasaad sa Saligang Batas at walang ibang interpretasyon maliban sa tunay nitong hangarin. /Gail Mendoza