ILAN na ba ang nabibiktima ng Mpox sa mahal kong Pinas?
Mayroon na umanong 18 ngunit gumaling o nagpapagaling na.
Sa Africa, may 30,000 nang biktima at mahigit nang 800 ang patay simula noong Enero 2024.
Sa buong mundo, mahigit nang 100,000 ang natamaan sa 122 bansa, kasama ang 115 bansa na dati’y walang Mpox.
Kung iisipin, mga Bro, hindi dapat gaanong pag-isipan o katakutan ito sa Pilipinas dahil madalang ang nagkakasakit sa atin nito at wala pang nasasawi.
Ang totoo, higit na dapat bigyan ng pansin o kaya’y katakutan ang sakit sa puso na pumapatay ng nasa 85,000 kada taon, kanser – 45,,000 kada taon at high blood – 45,000 din.
Marami ang nagkakasakit sa puso at nahahayblad ngayon dahil sa mahal na presyo ng mga pagkain, gutom sa kawalan ng makain o sapat na pambili ng pagkain at iba pa.
Ang tatlong sakit na ito ang taon-taong pinaka sa lahat ng mga murderer na sakit sa mga Pinoy.
CONDOM ‘DI UUBRA
Napagdiskitahan nating pag-usapan ang Mpox dahil napatunayang hindi ito napipigilan ng condom.
Alalahaning sex ang kabilang sa mga pangunahing dahilan ng mabilis na paglaganap ng sakit na ito na nakamamatay rin.
Ang Mpox, sakit na kitang-kita sa balat, kahit saang parte ng katawan.
Walang kaibhan ito sa tigdas na itim na malaki ngunit pumuputok at nagnanana.
Kaya pag nadikit ka sa may Mpox, malamang na mahawa ka.
Dito nagkakahawaan ng Mpox ang mga nagse-sex at depende sa mga pagsisiyasat, pangunahing natatamaan ng Mpox ang mga lalaki at lalaki na nagse-sex.
Pero sa kalaunan, mga babae na rin.
At sa bansang Democratic Republic of Congo na may pinakaraming Mpox sa Africa at buong mundo ngayon, sex sa lalaki at babae ang pangunahing dahilan ng hawaan.
May isang lugar sa DR Congo na sentro ng prostitusyon, minahan at minero at negosyante sa brilyante, ginto sa iba pa.
Anak ng tokwa, dahil sa pagkakaroon ng maraming pera sa pagmimina, marami ang nagpapakasta at kumakasta nang walang condom.
Pero kahit gumagamit sila ng condom, nagkakahawaan pa rin sa Mpox.
Simple lang naman kasi ang dahilan.
Kapag nagkadikitan ang katawan, kahit hindi maghubad ang mag-partner, dahil kabilang sa may Mpox ay ang mga ari hanggang puwet, natural na magkahawahan.
Kaya nga nakadidiring malaman sa mga nahawa ng Mpox na Pinoy na may nararamdaman na silang sakit, nagpupunta pa sila sa mga massage parlor saka nagkakaroon ng extra service kung tawagin.
Anak ng pitong putakte talaga!
MAGALING UMILAG
Nang mag-viral ang mga lalaking may Mpox at nakipag-extra service sa Pinas, naging mailap at listo na lahat sa itsurang may Mpox.
Basta may makitang may diperensya sa balat ang isang tao, kahit hindi Mpox, diyan na nagkakailagan.
Parang nangyayari noong panahon ng Covid-19 na basta may umubo, suspetsado agad na may Covid-19 iyon at lumalayo agad ang walang ubo o kahit may ubo ngunit galing lang sa sipon.
Pero mabuti na iyon kaysa mahawaan ka ng Mpox.
Baka matepok ka pa kung totoong Mpox ang dadapo sa iyo, gaya ng 800 nang patay sa Africa