Home METRO Drug surrenderee balik-selda, anak ginawang drug courier!

Drug surrenderee balik-selda, anak ginawang drug courier!

126
0

CAPIZ- Arestado ang isang ama na dating drug surrenderee kasama ang 11-anyos na anak nitong lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad, kahapon sa bayan ng Sigma.

Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng Sigma Municipal Police Station ang suspek na si alyas Ariel at taga Panit-an Capiz.

Ayon sa pulisya, ikinasa ang operasyon sa Barangay Amaga, Sigma, Capiz matapos makatanggap ng report hinggil sa muling pagbebenta ng ilegal na droga ng suspek.

Pagdating sa lugar kasama pa ng suspek ang menor-de-edad nitong anak at nakuha sa mga ito ang walong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nabatid na madalas umanong inuutusan ng suspek ang kanyang anak sa ilegal nitong gawain.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here