Home LIFESTYLE HEALTH Congo nagdeklara ng bagong Ebola outbreak

Congo nagdeklara ng bagong Ebola outbreak

244
0

MANILA, Philippines – Idineklara ng Democratic Republic of Congo ang panibagong Ebola outbreak, ang una sa loob ng tatlong taon, na may 28 pinaghihinalaang kaso at 15 na namatay.

Kinumpirma ng mga pagsusuri ang Zaire strain matapos maospital ang isang 34-anyos na buntis sa Kasai noong Agosto 20 na may lagnat at pagsusuka.

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na maaaring tumaas pa ang mga kaso dahil nagpapatuloy ang hawahan.

Higit sa isang dosenang outbreak na ang naranasan ng Congo, kabilang ang epidemya noong 2018–2020 na pumatay ng halos 2,300 katao.

Ayon sa WHO, may nakahandang gamot ang bansa at magpapadala ito ng 2,000 doses ng Ervebo vaccine, kasama ang mga medikal na suplay at mobile laboratory equipment, para bakunahan ang mga nakasalamuha at mga frontliner sa Kasai. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here