Home NATIONWIDE Department of Defense papalitan ni Trump ng Department of War

Department of Defense papalitan ni Trump ng Department of War

295
0

WASHINGTON — Kumpirmado ng White House na pipirmahan ni US President Donald Trump ng executive order para palitan ang pangalan ng Department of Defense bilang “Department of War.”

Ayon sa utos, maaaring gamitin ni Defense Secretary Pete Hegseth at ng Pentagon ang mga titulong gaya ng “Secretary of War,” at inatasan si Hegseth na irekomenda ang mga hakbang para gawing permanente ang pagbabago.

Dating tinawag na War Department ang ahensya hanggang 1949, bago pinalitan upang bigyang-diin ang pag-iwas sa digmaan sa panahon ng nuclear age.

Pero giit ni Trump: “Defense is too defensive. We want to be defensive, but we want to be offensive too if we have to be.”

Tinuligsa ni Senador Tammy Duckworth ang hakbang bilang magastos at hindi kailangan, aniya mas mabuting ilaan ang pondo sa mga pamilyang militar o diplomasya. Depensa naman ni Hegseth, ito ay tungkol sa “warrior ethos.”

Kailangan pa ng pag-apruba ng Kongreso, pero dahil mayorya ang Republicans, maliit ang tsansang maharang ang plano ni Trump. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here