Home HOME BANNER STORY Construction projects ng DPWH ipinatigil ngayong Holy Week

Construction projects ng DPWH ipinatigil ngayong Holy Week

136
0

MANILA, Philippines – Ipinatitigil ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lahat ng tanggapan nito ang mga construction projects sa buong bansa upang bigyang-daan ang pagbiyahe ng mga tao ngayong Holy Week.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ang kanyang kautosan sa lahat ng district engineers at regional offices ay walang dapat na ongoing projects. Walang pagtatayo. Walang dapat magpatupad ng stop-and-go traffic schemes para sa mga proyekto.

Ipinaliwanag ni Dizon na ang kautusan ay ibinigay sa mga tanggapan ng DPWH noong weekend at mananatili itong epektibo hanggang Easter Sunday, Abril 5.

Dagdag niya, ang hakbang ay bahagi rin ng pagsisikap na bawasan ang konsumo ng gasolina ng mga motorista dahil sa tumataas na presyo at kakulangan ng suplay dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan.

“Dapat nating bawasan ang hirap ng ating mga kababayan. Isang mahalagang paraan para magawa iyon ay ang mas maikling oras sa kalsada,” dagdag ni Dizon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here