Home METRO Construction worker itinumba ng tanod

Construction worker itinumba ng tanod

MANILA, Philippines – DEAD ON ARRIVAL sa pinaka-malapit na pagamutan ang isang construction worker nang saksakin ito ng isang barangay tanod matapos na magtalo sa hindi pa mabatid na kadahilanan, kahapon, Mayo 30 sa Barangay Dita sa lungsod ng Sta Rosa, Laguna.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa dibdib at kanang balikat na kaagad na binawian ng buhay sa St. James Hospital Inc. sa Sta Rosa City ay kinilalang si Ernedo Ocampoy Atienza, 56, may-asawa, construction worker at naninirahan sa #1912 Purok 4, Barangay Dita ng nabanggit na lungsod.

Samantalang ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Rosa City Police Station at nahaharap sa kasong Homecide na nakilala sa alyas na Joemer 42, Barangay Tanod, residente ng Kalye Pogi, Barangay Dita, lungsod ng Sta Rosa, Laguna.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:00 ng tanghali kung saan huli umanong nakita ang biktima at suspek na nagtatalo sa hindi pa matukoy na kadahilanan.

Kasunod nito, inundayan umano ng suspek ang biktima ng saksak sa dibdib at balikat na agarang ikinasawi ng nasabing construction worker. Ellen Apostol