PANGASINAN- Isa nang malamig na bangkay ang isang 51-anyos na lalaki nang matagpuan sa Agno River sa Brgy. Pangdel, Bayambang ng lalawigang ito kagabi.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima na isang construction worker ay residente ng Brgy. Bongato East, Bayambang, Pangasinan.
Ayon sa kapatid na babae ng biktima na nakausap ng mga imbestigador, ang biktima na nasa impluwensya ng alak ay umalis ng bahay nito sa Brgy. Bongato East, Bayambang, Pangasinan bandang alas-9 ng umaga nang hindi nagpapaalam.
Nang hindi nila makita ang biktima ay agad nila itong hinanap hanggang sa makita nila ang mga gamit nito malapit sa Agno River.
Bandang alas-6:40 ng gabi nang matagpuan nila sa Agno River ang biktima na hindi na humihinga.
Naniniwala ang kanyang pamilya na nagpunta sa ilog ang biktima para maglangoy ngunit hinigop ng malakas na kuryente ng tubig hanggang sa ito ay malunod. Rolando S. Gamoso